Statement of Senator Loren Legarda on the Arrest of Guo Hua Ping, Also Known as Alice Guo
9/07/2024 07:44:00 AM
The news of Guo Hua Ping’s arrest in Indonesia, also known as Alice Guo, is a significant step in our ongoing efforts to combat the corruption she is involved in. Her escape and evasion from accountability here in the Philippines clearly demonstrate a blatant attempt to avoid justice.
We will closely monitor the progress of the investigation to ensure that every aspect of this case is thoroughly examined and clarified. It is essential that the full story of corruption is uncovered, the entire truth revealed without any cover-up, and all those involved identified so that appropriate actions and penalties can be imposed for any violations of the law—whether it’s illegal activities related to POGOs such as human trafficking, identity theft, money laundering, or other illicit transactions.
We must not allow this kind of corruption in our country. The Philippines is for Filipinos—let us not allow ourselves to become victims in our own land to foreign entities whose aim is to exploit and bring harm to our people and society.
[Ang balitang pagkakahuli sa Indonesia kay Guo Hua Ping o mas kilala bilang Alice Guo ay isang mahalagang hakbang sa ating patuloy na pagsugpo sa mga katiwaliang kanyang kinasasangkutan. Ang kanyang pagtakas at pagtatago mula sa kanyang mga pananagutan dito sa Pilipinas ay malinaw na nagpapakita ng tahasang pag-iwas sa hustisya.
Patuloy nating tututukan ang takbo ng imbestigasyon upang matiyak na masusing matalakay at mabigyang linaw ang bawat aspeto ng kasong ito. Kailangang maisaalang-alang ang buong kwento ng katiwalian, malaman ang buong katotohanan nang walang halong pagtatakip, at matukoy ang lahat ng sangkot upang mabigyan ng karampatang aksyon at parusa ang anumang paglabag sa batas– mula sa ilegal na mga aktibidad kaugnay sa POGO tulad ng human trafficking, identity theft, money laundering, at kung ano pang ilegal na transaksyon.
Hindi natin dapat pahintulutan ang ganitong uri ng katiwalian sa ating bayan. Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino—huwag natin hayaan na tayo pa ang maging biktima sa sarili nating bansa ng mga dayuhang ang hangad ay magsamantala at magdulot ng kapahamakan sa ating mamamayan at lipunan.]
0 comments